Tuesday, January 17, 2006

Sulit Ba Ang Umamin...

Ewan ko lang!

There is always a chance to lose something, but plain experience tells me that there's nothing to be gained from being circumspect.

Just want to make sure of myself, first. As for my nerve, confidence is high; I repeat, confidence is high! Let the feeling grow a little. As to the rest, again, ewan ko na lang!

Huwag lang tayo masulutan . . . (not again, not ever!).

KUNG O.K. LANG SA 'YO
‘Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na di ko maamin
Sa sarili, kung bakit ka pa ba nandiyan?

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang hindi para sa iyo
Ngunit bakit hindi kita malimutan … sa ‘yo ba'y o.k. lang?

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay sa iyo
At sana’y pakinggan mo.

Huwag ka sanang magugulat sa akin
‘Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot, hindi ako manloloko…kung o.k. lang sa iyo.

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay sa iyo
At sana’y pakinggan mo.

Ngayon alam mo na sana’y ‘di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo…kung o.k. lang sa iyo.


Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay sa iyo
At sana’y pakinggan mo.


Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay sa iyo
At sana’y pakinggan mo.


Kung o.k. lang sa iyo . . .

My own take:

‘Di malaman kung ano'ng nadarama
Puso'y hindi sanay tiisin ang kaba
'Pagkat kay tagal hindi na ko umaasa.

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Pagkakataon darating din sa iyo
Ngunit bakit ako pa ri'y nag-iisa … sadyang ganyan lang ba?

Habang tumatagal, lumalala, sila'y nawawala
Naglaho at nalimutan, 'kala'y di masasaktan
Kaya sana nama'y maunawaan ng kapwa nilalang
Ang aking dinadamdam.

Huwag mo sana ako ay paikutin
Sawa na ako sa ganyang klaseng gawain
Huwag kang matakot, hindi ako manloloko…pagtiwalaan mo ako.

Habang tumatagal, lumalala, sila'y nawawala
Naglaho at nalimutan, 'kala'y di masasaktan
Kaya sana nama'y maunawaan ng kapwa nilalang
Ang aking dinadamdam.


Ngayon natataong aamin sana ako
At pasensya na 'pagka't ako'y nalilito
Pero kung mayroon nang nagmamay-ari sa iyong puso… limutin mo ako.

Habang tumatagal, lumalala, sila'y nawawala
Naglaho at nalimutan, 'kala'y di masasaktan
Kaya sana nama'y maunawaan ng kapwa nilalang
Ang aking dinadamdam.

No comments: