Tuesday, April 28, 2009

Panalo Ito

Tunay na Lalake Blog

Alam naman natin panay gagaguhan ang site na ito, pero panalo siya sa akin. Ito ang Manifesto ng Tunay na Lalake:

1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

Kapag ginamit ang ganitong batayan, lalung-lalo kung dinagdag pa ang kung anu-anong shit, dahil mahilig ako sa showtunes at mahilig manggaya ng sikat na sayaw noong '80s (para manggago at mang-inis man lang ng ibang tao), eh mukhang hindi ako tunay na lalake.

Talo din ako dahil mahilig akong matulog sa opisina (hmmm, consideration dahil hilig ko rin ang tumambay imbis na pumasok).

Kung may extra points ang number 8 at mga usaping kababuyan, swak na swak ako.

No comments: