I paused a while to reflect on the meaning of my stay here. To be frank, I'm having a mini-crisis of confidence in the job right about now. There are many reasons for this, but mainly I believe it's being weighed down with too much too soon. I haven't been the most proactive of people in the past few weeks, and I deserve every kind of flak for my performance.
I'm pasting a translation of a prayer my spiritual mentors introduced to me so many years back. I think it's from Methodist minister Ted Loder, but I haven't time to verify this.
I'll be sailing into rougher seas, but with His help, perhaps I'll get by.
GAMBALAIN MO KAMI, PANGINOON
Gambalain mo kami, Panginoon,
kapag labis kaming natutuwa sa aming sarili;
kapag natupad ang aming inaasam
sapagka't ang aming inadhika'y kulang;
kapag kami'y ligtas na nakarating
sapagka't naglakbay kami nang kay lapit sa dalampasigan.
Gambalain mo kami, Panginoon,
kapag sa kasaganaan ng aming ari-arian
hindi na namin taglay ang pagkauhaw para sa tubig ng buhay;
kapag sa pagkahumaling namin sa Panahon
tinalikdan namin ang paghahangad para sa Walang Hanggan;
at kapag sa aming pagpunyagi sa pagpapaunlad ng mundo
pinabayaan naming manimdim ang aming pangitain para sa Bagong Kalangitan.
Hikayatin mo kami, Panginoon, na humakbang nang buong tapang,
na maglakbay sa laot, kung saan ipinapakita ng bagyo ang Iyong kapangyarihan,
kung saan kapag nawala sa aming paningin ang lupa matatagpuan namin ang mga bituin.
Sa Ngalan Niyang nagpalawak sa hangganan ng aming pangarap
at nag-anyaya sa may lakas ng loob na sumunod sa Kanya.
Amen.
No comments:
Post a Comment