Nagugutom ako
at bumuo ka ng samahang pantao
at tinalakay ang aking pagkagutom.
Salamat.
Nakakulong ako
at dahan-dahan kang lumakad
sa iyong kapilya sa silong
at ipinagdasal ang pagpapalaya sa akin.
Hubad ako,
at sa iyong isipan
ay nagtalo ka pa sa moralidad ng aking hitsura.
Mayroon akong sakit
at lumuhod ka at nagpasalamat sa Diyos
para sa iyong kalusugan.
Wala akong matitirhan
at sinermonan mo ako tungkol sa
silong-pangkaluluwa ng pag-ibig ng Diyos.
Nangungulila ako at iniwan mo akong nag-iisa
upang manalangin para sa akin.
Mukhang kang napakabanal,
at napakalapit sa Diyos.
Subalit gutom na gutom pa rin ako,
at nangungulila,
at nilalamig.
Saan napunta ang lahat ng iyong mga dasal?
Ano ang nagawa nila?
Ano ang ikabubuti sa isang tao
na buklatin ang kanyang aklat ng pagdarasal
kung ang buong daigdig
ay dumadaing ng saklolo sa kanya?
This was inspired by a piece that was one of our staples during my time with the Peer Counseling Organization in high school, called "Listen Christian." Dedicated to all those hypocrites who hog airtime and waste taxpayers' money without offering any true help, and sometimes (as in the case of illegal loggers, opportunistic realtors and abusive mining company owners) even being part of the problem itself.
No comments:
Post a Comment