Wednesday, August 10, 2005

Maliwanag

Kung ang buwan ay maliwanag
At iilawan ang ating mundo
Bulag pa rin ang aking pag-iisip
Puno ng lungkot na sa liwanag ay
Kikitil.

Kung ang tinig mo ay maliwanag
At babasagin ang katahimikan
Bingi pa rin ang aking kaluluwa
Nagumon ng pagkabalisa't
Pinipigil.

Liwanag ang layon ng Maykapal
Sa pagbuo ng ating mundo
Liwanag ang lagi mong hinahanap
Sa oras ng paggising mo
Hinulma tayo ayon sa liwanag
At magbigay-ligaya sa lahat ng nilalang.
Saksi tayo ng nag-iisang liwanag
Na nag-alay sa atin ng katotohanan.

Kung ang diwa ko ay may liwanag
At maunawaan ang aking sinasalamin
Ang kinabukasan ko'y walang katiyakan
Balot sa pangagamba, bihag ng
Hilahil.

No comments: