Dedicated to the students of the La Salle Greenhills Adult Night High School, who at one time enriched my life. Karangalan po ang paglingkod ko sa inyong lahat.
Buhayin mo ang pangarap mo.
Hindi tulad ng agos ng tubig sa dagat
Ang buhay natin sa mundo.
Kung mayroon mang katuparan
Sa lahat ng iyong inaasam
Kailangan nito ng iyong lakas
Sapagkat nasa iyong kamay ang bukas.
Kung pangarap mo'y magiging iyo
Huwag kang magpapalito,
Kung ika'y may hinahanap
Buhayin mo ang pangarap mo.
Buhayin mo ang pangarap mo.
Sa pagsikat ng araw mapapawi ba
Ang pangamba mo sa puso?
Kung mayroong mang paglunas
Sa sugat ng iyong damdamin
Kailangan nito ng pag-unawa
Sapagkat ikaw ang bubuo ng diwa.
Kung pag-ibig ay tataglayin mo
Himukin ang 'yong puso
Kung nais mong umibig
Buhayin mo ang pangarap mo.
Sa lahat ng araw na ginawa ng Diyos
Inilaan Niya ang pagkakataong
Matamo natin ang kanyang itinakda.
Hindi sapat ang pamarisan lamang
Natin ang nakaraan.
Sapagkat ang iniwan sa ati'y lubos
Para sa lahat ng panahon.
Hindi ba't inilaan Niya
Ang buhay para sa ating utang
At sandaigdigang kasalanan?
Buhayin mo ang pangarap mo.
Mapaparisan ba ng liwanag ng buwan
Ang ilaw ng iyong puso?
Mahirap mang paniwalaan
Ang ganitong katotohanan
Ikaw lamang ang makatatamasa
Sa kabuuan ng iyong pagnanasa.
Kung apoy sa puso'y mabubuhay
Huwag umasa't maghintay,
Kung ika'y may ninanasa,
Buhayin mo ang pangarap mo.
Buhayin mo ang pangarap mo.
Maitatago mo ba ang iyong damdamin
Sa lahat ng mga tukso?
Dayain mo man ang iba
Huwag lang ang iyong konsiyensiya.
Kung dala na paghamon ay pangangamba
Manalig ka at huwag mabahala.
Kung mayroong kasukat ang panahon
Ikaw lang ang may sagot doon.
Kung nais mo ang mabuhay,
Buhayin mo ang pangarap mo.
No comments:
Post a Comment