Wednesday, April 29, 2009

Schadenfreude

1. Nagdiriwang siguro ang mga relihiyong nagbabawal sa pagkain ng baboy. Mabuhay ang swine flu! Ibagsak ang mga oink oink!

2. Sadista lang siguro o mga kontra sa Celtics ang natuwa nung ma-injure si Kevin Garnett at di na makakalaro sa playoffs. OTOH, hayuf si Derrick Rose, idol!

3. Ewan ko lang kung proud pa rin ang mga Indiano sa style nila sa election. Sino bang engot ang mag-suggest na lagyan ang mga hinlalato nila ng indelible ink? Sa posing tuloy nakangarat sila. Panalo!

4. Sabihin nating ma-jinx natin si kabayang Manny Pacquiao, pero magkano kaya ang tinaya nina FG, Chavit, etc. at makakaya ba ni Pacman na matupad ang hiling ng mga ugok na sugarol?

5. Set na ang mga timers: kung kailan mahe-headline ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil sa gulo sa kanilang relasyon.

6. Saan ka makakapanood ng hero movie na papalakpakan mo yung kontrabida (X-Men Origins: Wolverine) ? Idol kita, Liev Schreiber (just stop appearing in crappy remakes like "The Omen"!), panalo ka bilang Sabretooth! Downside - mukhang advance copy with incomplete special effects and canned music ang napanood ko (hehe, wala pa nga sa mga sinehan, eh). Upside - panalo ang pirata ng pelikulang ito.

7. Ayaw kong mang-api (pero gagawin ko pa rin, hehe, 'lol!) pero ilan na kayang admirers ang pipila para maging syota si Susan Boyle? Ang siste, ilan kaya sila bago lumabas si Susan sa "Britain's Got Talent"?

8. Taong nagpakatotoo: si Nicole ng Subic "rape" case (ay, hindi pala rape, consensual sex pala). Tunay siyang mukhang pera. Pasipol-sipol (pa-dedma epek) - gobyerno ng Pilipinas. Lusot kayo mga tsong! Iwas-gusot sa mga Onaks!

9. Hirit na makukulit na sektor: dagdagan ang party-list representation (kahit walang matibay na pruwebang nailunsad nila ang mga isyu na kani-kanilang "marginalized sector")! Ang kanilang premyo - si "Terminator" Palparan, magiging Congressman.

UPDATE:
10.   Bagong drama sa TV - suicide ba o homicide?  Nag-umpisa sa "ayan, nasampolan ka na" at "KARMA!", ngayon, misteryo na.  Ano na nga ba, Kuya Ted Failon?


Tatawa ka na lang minsan kahit mag-isip ka ng masama sa iyong kapwa. Kaysa naman maiyak ka at ma-depress.

No comments: