Walang kasintamis
Ang tagumpay ng pagpapawis
Ang amoy ng usok
Ang kaluskos ng makina
Hindi man ako ang siyang
Obrerong nagsisikap at naghihirap
Ramdam ko ang sikdo ng kanyang puso
Dahil ako'y hingal
Sa pag-akyat ng hagdan
Papuntang opisina
Minsan aking nakalimutan
Ang halaga ng paghahanapbuhay
Sinayang ang aking oras
Sa gawaing mali ang landas
Sadyang ganyan ang ating buhay
Hindi maiiwasan
Ang ganid
Ang sinungaling
At matapobreng amo
Lahi man natin
O iba
Wala mang dagliang
Dahilang makapagsaya
Ako'y nagpapasalamat
Ang trabahong siyang tunay na grasya.
Tulad ng mga nagbabanat
Ng buto at kalamnan
Tuloy sa padayon
Dito sa pabrika -
Sa pabrika ng ideya
Magpapanday ng sariling layon
Kahit di maaninag
Ang liwanag ng umaga
No comments:
Post a Comment