Lahat tayo'y naglalakbay sa mundo
Naghahanap ng sulok na aangkinin
Naghahangad, nangangarap
Minsa'y nalilimot na ang ating damdamin.
Mapaparisan ba ng liwanag ng buwan
Ang ilaw ng iyong puso?
Mailalapat mo ba ang sukat ng iyong nais
Sa kabilugan ng mundo?
Ang tugon sa ating dasal
Daliri ng Maykapal
Nananatili sa mga nagmamahal
Kung ayaw mong tumangis
Huwag mangarap kailanman
Kalimutan ang pag-ibig
Kung ayaw mong masaktan
Ngunit kahit ilang ulit mo siya'y talikuran
Siya lamang nagbibigay sa buhay ng kabuluhan
Magunaw man ang buong sansinukuban
Mabubuhay ang pag-ibig sa gitna ng kawalan.
Kung dala ng paghamon ay pangangamba
Manalig at huwag mabahala't wala itong lunas
Magsikap at magpunyagi pag-ibig ang manatili
Sa araw-araw na landas.
Makakaya mo bang itatwa sa 'yong buhay
Ang sikdo ng iyong puso?
May kabuluhan pa ba ang 'yong tadhana
'Pag tuyo na'ng damdamin mo?
Kapag ika'y nagmamahal
Sa hirap may maisasakdal
Ang luha mo ang siyang nagpapabanal
Ang hinahangad mong katuparan
Sa lahat ng iyong inaasam
Nasa piling mo't kumakanlong sa iyo.
Pawiin mo ang piring sa mata mo.
Kung ayaw mong tumangis
Huwag mangarap kailanman
Kalimutan ang pag-ibig
Kung ayaw mong masaktan
Ngunit kahit ilang ulit mo siya'y talikuran
Siya lamang nagbibigay sa buhay ng kabuluhan
Magunaw man ang buong sansinukuban
Mabubuhay ang pag-ibig sa gitna ng kawalan
No comments:
Post a Comment